2014
Naghahanda si Mathilde para sa Young Women
Oktubre 2014


Naghahanda si Mathilde para sa Young Women

Sabik nang makalipat kaagad si Mathilde sa Young Women, pero hindi siya sigurado kung ano ang aasahan. Kaya kinausap niya ang kanyang lola. Ang lola niya ay si Sister Bonnie Oscarson, ang Young Women general president. May magandang payo siyang ibinigay!

Itanong sa nanay o lola mo o sa isa sa kababaihan sa inyong ward kung ano ang naaalala nila tungkol sa Young Women. Maaari kang makatuklas ng nakatutuwang mga bagay.

Noon …

Noong nasa Young Women pa si Sister Oscarson, tumanggap siya ng mga badge sa pagkumpleto ng iba’t ibang gawain. Itinahi niya ang mga ito sa isang espesyal na telang paha, kasama ang bulaklak na kumakatawan sa katapatan.

… at Ngayon

Ang kuwintas na ito ay magpapaalala sa iyo na maging halimbawa sa iba at manindigan sa katotohanan at kabutihan.

Tatanggap ka rin ng mga laso kapag nakumpleto mo ang mga karanasan at proyekto sa Pansariling Pag-unlad.

Pagkatapos ay tatanggapin mo ang Young Women medallion.

New Beginnings

Dumalo si Mathilde sa isang espesyal na aktibidad na tinatawag na New Beginnings. Tinuruan sila ng nakatutuwang lesson at nalaman ang tungkol sa Pansariling Pag-unlad.

Kinukumpleto rin ni Mathilde ang kanyang Faith in God Award at isinasaulo ang Mga Saligan ng Pananampalataya.

Isang Espesyal na Alaala

Si Mathilde at ang kanyang mga pinsan ay nasa Conference Center noong Abril 6, 2013. Pero hindi nila alam kung bakit sila inimbitang lahat ng lola nila sa pangkalahatang kumperensya. Nagulat at natuwa sila nang sang-ayunan ito bilang pangulo ng organisasyon ng Young Women!

Pansariling Pag-unlad ng

Young Women

Mga border na gawa ng amiloslava/iStock/Thinkstock