2014
Maghanda Bago Kayo Manalangin
Oktubre 2014


Mga Kabataan

Maghanda Bago Kayo Manalangin

Ipinapaalala sa atin ni Pangulong Eyring na ang panalangin “ay pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga anak.” Kapag nag-ukol tayo ng panahon upang paghandaan ang ating pagdarasal magiging posible ang pag-uusap na iyon. Magagamit mo ang iyong journal para mag-ukol ng ilang minuto sa paghahandang manalangin bawat araw. Maaari kang gumawa ng listahan ng mga pagpapalang nais mong ipagpasalamat sa Ama sa Langit, mga taong kailangan mong ipagdasal, at mga tanong mo na kailangang masagot. Pagkatapos ay anyayahan ang Espiritu sa pamamagitan ng pagkanta ng isang himno o pagbabasa ng ilang talata sa banal na kasulatan. Habang nagdarasal ka, pakiramdaman kung paano ka ginagabayan ng Espiritu Santo sa dapat mong sabihin, at pagtuunan ng pansin ang iyong nadarama at iniisip (tingnan sa D at T 8:2–3). Isiping isulat sa iyong journal ang iyong mga karanasan at repasuhin ang mga sagot na iyong natanggap. Magagamit din ninyo ang mga aktibidad sa mga pahina 95–97 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero na tutulong sa inyo na masuri ang inyong mga panalangin at matutuhang makilala ang Espiritu Santo.