2020
Sa Sagradong Lugar
Pebrero 2020


Sa Sagradong Lugar

Painting of young Joseph Smith

Ngayong taon, ipinagdiriwang natin ang ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain ni Joseph Smith. Sinimulan nito ang Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa magandang Sagradong Kakahuyan. Binago ng mahimalang pangyayaring iyon ang takbo ng kasaysayan, pati na rin ang buhay nating lahat. Ngunit ang pinakamahalaga sa akin, naging personal ito at nagbago ang buhay ko.

Noong naglilingkod kami ng asawa ko sa New York/Pennsylvania Historic Sites Mission, maraming beses akong naglakad sa sagradong lugar na iyon. Sa sakahan ng pamilya Smith sa Palmyra, New York, nagkaroon ako ng pribilehiyong ilibot ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo at iba’t ibang katayuan sa lipunan.

Matututo tayong lahat mula sa mga halimbawa ng pamilya Smith at ng iba pang mga naunang miyembro ng Simbahan. Itinuturo sa atin ng Unang Pangitain ni Joseph Smith kung paano makatanggap ng paghahayag, tulad ng ipinaliwanag ni Pangulong Eyring sa pahina 12. Pinatotohanan ng mga General Authority na totoo ang pangitaing iyon sa pahina 18.

Dalangin ko na sa pagdiriwang natin ng ika-200 taon mula nang maganap ang Unang Pangitain, pagnilayan natin ang lahat ng pagpapalang natanggap natin bilang bahagi ng patuloy na Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Sister Karen Russon Neff