Anim na Paraan para Gumaan ang Pakiramdam
Narito ang ilang bagay na maaaring subukan kapag hindi ka masaya. Kulayan ang mukha na tumutugma sa nararamdaman mo, o magdrowing ng bagong mukha. Pagkatapos ay kulayan ang mga ideya para sa paggaan ng pakiramdam.
-
Ako ay nagagalit!
-
Ako ay natatakot.
-
Ako ay nalulungkot.
-
Ako ay nag-aalala.
-
Ako ay ______________.
-
Dahan-dahang huminga nang malalim. Ipahinga ang iyong katawan.
-
Magsulat sa journal o magkulay ng isang larawan tungkol sa nararamdaman mo.
-
Sumubok ng isang aktibidad na magpapagalaw sa katawan mo.
-
Sabihin sa isang tao kung ano ang nararamdaman mo.
-
Maging mabait sa iyong sarili. Subukang mag-isip ng magagandang bagay tungkol sa iyong sarili.
-
Manalangin at magbasa ng ilang talata sa mga banal na kasulatan. Mahal ka ng Diyos, anuman ang mangyari!