2020
Hello mula sa Brazil!
Pebrero 2020


Hellomula saBrazil!

Kami sina Margo at Paolo.Naglalakbay kami sa iba’t ibang panig ng mundo para matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa pagbisita namin sa Brazil!

Ang Brazil ang pinakamalaking bansa sa Timog Amerika. Mahigit isang milyong miyembro ng Simbahan ang nakatira roon.

Hindi magtatagal, magkakaroon na ng 11 templo sa Brazil! Sa pahina K10, mababasa mo ang tungkol sa unang pagpunta sa templo ng isang batang lalaking taga-Brazil.

Ang pangunahing wika na ginagamit sa Brazil ay Portuges. Ito ang Aklat ni Mormon sa Portuges.

Ang Amazon River ang pinakamahabang ilog sa mundo. At ang Amazon rainforest ang pinakamalaki sa buong mundo! Maraming kamangha-manghang hayop na naninirahan dito.

Football ang pinakasikat na isport sa Brazil.

Isang napakalaking estatwa ni Jesucristo ang nakatayo sa tuktok ng bundok malapit sa lungsod ng Rio de Janeiro.

Kilalanin natin ang ilang kaibigan mula sa Brazil!

Mahilig akong magsimba kasama ng aking nakababatang kapatid na babae at ng aking pamilya. Nadarama ko ang pagmamahal ng Tagapagligtas kapag kasama ko ang aking pamilya sa sacrament meeting. Nadarama ko rin ito kapag nasa Primary ako. Alam ko na buhay si Jesus at mahal Niya tayo.

Yago V., edad 4, at ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Laís, edad 2, Minas Gerais, Brazil

Noong hindi pa ako nabinyagan, takot akong malunod dahil hindi ako marunong lumangoy. Sinabi ng tatay ko na mapagkakatiwalaan ko si Jesus na sasamahan ako. Pagkatapos niyon ay lumakas na ang loob ko at nalaman ko na hindi ako nag-iisa. Ang araw ng binyag ko ay isa sa pinakamasasayang araw sa buhay ko.

Ana Luiza M., edad 9, Paraná, Brazil

Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Brazil. Hanggang sa muli!

Mga paglalarawan ni Katie McDee