Mga Tanong at mga Sagot
Paano ako masisiyahan sa pagsisimba kung may problema ako sa mga taong naroroon?
Ang Sarili Mo Lamang ang Makokontrol Mo
Hindi ko makokontrol ang mga tao sa paligid ko, maging ang iba pang mga miyembro, ngunit makokontrol ko ang sarili ko at kung paano ako tutugon sa mga sitwasyon. Napagtanto ko na ang pagsisimba ay sa pagitan ko at ng Diyos, hindi sa pagitan ko at ng sinuman. Ipinapaalala ko sa sarili ko na hindi makatarungan sa Diyos o sa sarili ko kung ititigil ko ang pamumuhay ng ebanghelyo.
Erica Y., edad 18, Hawaii, USA
Igalang ang Lahat ng Tao
Iba’t iba ang pinagmulan natin at iba’t iba ang pagpapalaki sa atin. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaraanan ng mga tao.
Logan B., edad 15, Oregon, USA
Kausapin ang mga Lider Mo
Hindi ka dapat nagsisimba dahil lang sa isang tao. Dapat nagsisimba ka dahil sa paniniwala mo kay Cristo. Ipapayo ko rin na kausapin mo ang bishop mo.
Asher D., edad 15, Washington, USA
Magmahal nang Tulad ni Jesus
Sinabi ni Jesucristo, “Kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig ko kayo. … Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad” (Juan 13:34–35). Nakatulong ito sa akin na maunawaan na kailangan kong mahalin ang iba anuman ang kanilang pagkatao, tulad ng pagmamahal sa akin ng Tagapagligtas, sa kabila ng lahat ng aking mga kahinaan at pagkakamali.
Ema F., edad 15, Chaco, Argentina
Masiyahan na Makasama ang mga Miyembro ng Iyong Ward
Kahit nahirapan ako dahil nasaktan ako o nagkaroon ng hinanakit sa mga miyembro ng Simbahan, mas lalo kong napagtanto kung gaano ako kamahal ng mga tao roon. Natulungan ako nito na masiyahan sa pagsisimba dahil sa kagalakang idinudulot ng mga miyembro ng aking ward. Laging may mga tao roon na nagmamahal sa iyo.
Sophia D., edad 16, Bristol, England