Mga Kaalaman mula sa Aklat ni Mormon Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Tayo? Mga Paglalarawan ni Annie Henrie Nader 1. Daigdig ng mga espiritu: “Ang mga espiritu ng yaong mabubuti ay tatanggapin sa kalagayan ng kaligayahan, na tinatawag na paraiso, isang kalagayan ng pamamahinga, isang kalagayan ng kapayapaan” (Alma 40:12). 2. Pagkabuhay na mag-uli: “Ang kaluluwa ay magbabalik sa katawan, at ang katawan sa kaluluwa; oo, at bawat biyas at kasu-kasuan ay magbabalik sa kanyang katawan; oo, maging isang buhok sa ulo ay hindi mawawala; kundi lahat ng bagay ay magbabalik sa kanilang wasto at ganap na anyo” (Alma 40:23). 3. Paghuhukom: “Kapag ang lahat ng tao ay makalampas mula sa unang kamatayang ito tungo sa pagkabuhay, kung kaya nga’t sila ay naging walang kamatayan, sila ay tiyak na haharap sa hukumang-luklukan ng Banal ng Israel” (2 Nephi 9:15). 4. Antas ng kaluwalhatian: “Lahat ng bagay ay manunumbalik sa kanilang wastong kaayusan, bawat bagay sa kanyang likas na anyo—ang may kamatayan ay magbabangon sa kawalang-kamatayan, kabulukan sa walang kabulukan—magbabangon sa walang katapusang kaligayahan upang magmana ng kaharian ng Diyos, o sa walang katapusang kalungkutan upang magmana ng kaharian ng diyablo” (Alma 41:4).