2020
Sino si Isaias?
Pebrero 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Sino si Isaias?

Pebrero 17–23 2 Nephi 11–25

Isaiah

Paglalarawan ni Allen Garns

Itinuro ng Tagapagligtas, “Dakila ang mga salita ni Isaias,” at inutusan Niya tayo na pag-aralan ang mga ito (tingnan sa 3 Nephi 23:1). Marami sa mga turo ni Isaias ang sumasagisag sa mortal na ministeryo at Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Napakahalaga ng kanyang mga salita, kung kaya’t sa 2 Nephi 12–24, isinulat ni Nephi ang mga ito upang ang mga tao na babasa nito ay “magkaroon ng sigla sa kanilang mga puso at magsaya” (2 Nephi 11:8).

  • Naglingkod si Isaias bilang propeta mula 740–701 BC. Halos 40 taon! Noong tinawag siya bilang propeta, maaaring hindi pa naman puti ang buhok ni Isaias hindi tulad ng karaniwang iniisip natin na hitsura niya. Mababasa mo ang tungkol sa pagtawag sa kanya sa 2 Nephi 16.

  • Mayroon siyang pamilya. Mababasa mo ang tungkol sa kanyang asawa, “ang propetisa,” at ang pagbibigay ng Panginoon ng pangalan sa kanyang bagong silang na anak sa 2 Nephi 18:3.

  • Siya ang punong tagapagpayo ni Haring Hezekias. Malaki ang impluwensya ni Isaias sa Jerusalem. Paano kaya iyon nakatulong sa tungkulin niya bilang propeta?

  • Si Isaias ang propeta na pinakamadalas banggitin sa mga banal na kasulatan. Binanggit sa Aklat ni Mormon ang tatlumpu’t dalawang porsiyento ng aklat ni Isaias; at may tatlong porsiyento pa na binanggit gamit ang ibang mga salita.(Tingnan sa Old Testament Student Manual, Ika-3 ed. [Manwal ng Church Educational System, 2003], 131.)Ano ang paborito mong talata mula sa Isaias?

  • Ang pangalang Isaias ay nangangahulugang “ang Panginoon ay kaligtasan.” Talagang itinuro niya iyon! Paano nagagabayan ng pagtaglay mo ng pangalan ni Jesucristo ang iyong mga desisyon?

Linggo 4