Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Gaano Kahirap Gumawa ng Sasakyang-dagat o Barko?
Enero 27–Pebrero 21 Nephi 16–22
Para kay Nephi, ang paggawa ng sasakyang-dagat o barko ay hindi madali. Wala siyang blueprint, walang listahan ng mga materyales na kailangan, at walang mga kagamitan. Ngunit siya ay may pananampalataya, husay sa pagtatrabaho, at mga tagubilin mula sa Panginoon (tingnan sa 1 Nephi 17:8).
Mga kagamitan
Upang makagawa ng mga kasangkapang gagamitin sa paggawa, kinailangang maghanap at kumuha ni Nephi ng inang mina—isang nakakapagod na proseso na kinabibilangan ng pagmimina, pagdurog ng bato, at pagtunaw ng mga purong mineral sa napakainit na temperatura gamit ang apoy at bulusan para mapanday ang metal (tingnan sa 1 Nephi 17:9–11).
Kahoy
Dahil hindi karaniwang matatagpuan ang kahoy sa baybayin ng Arabian Peninsula, malamang kinailangan ni Nephi na “humayo” (tingnan sa 1 Nephi 18:1) papunta sa burol upang pumutol ng kahoy at buong lakas na hilahin ang mga ito papunta sa dalampasigan. Malamang na maraming beses siyang nagpabalik-balik para makakuha ng sapat na kahoy.
Pananampalataya
Nanampalataya si Nephi na kayang patuyuin ng Diyos ang dagat kung iyon ang kalooban Niya. At nanampalataya rin siya na matutulungan siya ng Panginoon na magawa ang bagay na tila imposible (tingnan sa 1 Nephi 17:50–51).
Linggo1