2023
Auckland, New Zealand
Enero 2023


“Auckland, New Zealand,” Liahona, Ene. 2023.

Narito ang Simbahan

Auckland, New Zealand

mapa ng mundo na may bilog ang paligid ng New Zealand
tanawin ng Auckland, New Zealand

Larawang kuha mula sa Getty Images

Ang Auckland ang lungsod na may pinakamaraming tao sa bansa. Ang unang convert sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa New Zealand ay nabinyagan noong 1854. Ngayon, ang Simbahan sa bansang ito ay may:

  • 116,900 miyembro (humigit-kumulang)

  • 30 stake, 229 na ward at branch, 3 mission

  • 1 templo na sumasailalim sa renobasyon sa Hamilton, 1 itinatayo sa Auckland

pamilyang naglalakad sa labas

Lahat ng Bagay ay Nagpapatotoo

Masaya ang buhay nina Fabian at Adrienne Kehoe at ng kanilang anak na babae sa isang sakahan sa Maromaku Valley. “Nagpapasalamat kami sa kasaganaan ng lupaing ito,” sabi ni Adrienne. “At lahat ng bagay na ito ay nagpapatotoo sa isang mapagmahal na Lumikha.”

Iba pa tungkol sa Simbahan sa New Zealand

  • Mga kuwento ng pananampalataya ng mga naunang miyembro ng Simbahan sa New Zealand.

mag-ina

Magkasama ang isang mag-ina sa New Zealand sa isang matamis na sandali.

pamilya sa hapag-kainan

Sumali ang isang mag-ama sa kanilang pamilya isang gabi ng karaniwang araw para sa pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Hamilton New Zealand Temple

Ang Hamilton New Zealand Temple, na kasalukuyang sumasailalim sa renobasyon, ay inilaan noong 1958. Isa pang templo ang itinatayo sa Auckland.

mga batang tumitingin sa mga magasin

Masaya ang mga bata sa New Zealand, tulad ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo, sa pagbabasa ng magasing Kaibigan.

pamilya at mga tupa

Tinuturuan ng isang ina at ama ang kanilang mga anak kung paano magpakain ng mga tupa. Ngayon sa New Zealand, may mga limang tupa para sa bawat tao, na bumaba mula sa pinakamataas na bilang na dalawampu’t dalawang tupa sa bawat tao noong 1982.

mga binatilyo

Sama-samang nag-aaral ng ebanghelyo ang mga maytaglay ng Aaronic Priesthood sa miting ng kanilang korum.

mga lalaking naglalaro ng rugby sa dalampasigan

Ang Rugby at ang dalampasigan ay popular sa buong New Zealand.