2023
Ano ang Misyon at Ministeryo ni Cristo Noon?
Enero 2023


“Ano ang Misyon at Ministeryo ni Cristo Noon?,” Liahona, Ene. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lucas 1

Ano ang Misyon at Ministeryo ni Cristo Noon?

si Jesus habang nagtuturo

The Sermon on the Mount [Ang Sermon sa Bundok], ni James Tissot © Brooklyn Museum of Art / Bridgeman Images

Si Jesucristo ay nakipagtipan sa premortal na buhay na pumarito sa Mundo at maging ating Tagapagligtas (tingnan sa Moises 4:2; Abraham 3:27). Bilang ating Tagapagligtas, isinagawa Niya kapwa ang Kanyang misyon at Kanyang ministeryo.

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang misyon ng Panginoon sa mortalidad ay ang isakatuparan ang Pagbabayad-sala … [at] gawing posible ang buhay na walang hanggan para sa sinumang magiging karapat-dapat dito. … Ang Kanyang ministeryo ang lahat ng iba pang ginawa Niya—ang Kanyang mga himala, Kanyang mga turo, Kanyang pagmamahal, Kanyang pagtutuon sa mga ordenansa, Kanyang pagtuturo sa atin kung paano manalangin.”1

Ang mga aspeto ng misyon at ministeryo ni Cristo ay inilarawan sa maraming lugar sa mga banal na kasulatan. Tingnan ang mga paglalarawang ibinigay ng Kanyang inang si Maria sa Lucas 1:46–55. Si Ana, na isang halimbawa rin ng pagkamasunurin, ay nag-alay ng katulad na panalangin tungkol sa ministeryo ng Panginoon sa 1 Samuel 2:1–10.

Tulad ng iminumungkahi sa manwal na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, maaari mong ikumpara ang mga ito sa Beatitudes ni Jesus sa Mateo 5:3–12.2

Isiping ilista ang ilan sa mga aspeto ng ministeryo ni Cristo na inilalarawan ng mga talatang ito; isang aspeto ang nailista bilang isang halimbawa: