2023
Paano Ako Maaaring Maging Saksi ni Jesucristo?
Enero 2023


“Paano Ako Maaaring Maging Saksi ni Jesucristo?,” Liahona, Ene. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 2; Lucas 2

Paano Ako Maaaring Maging Saksi ni Jesucristo?

ang sanggol na si Jesus sa isang sabsaban

Safe in a Stable [Ligtas sa Isang Kuwadra], ni Dan Burr

Nang isilang si Jesucristo, natanto ng ilang grupo ng mga tao na Siya ang ipinangakong Tagapagligtas. Bukod kina Maria at Jose, kabilang sa mga taong ito ang mga pastol, si Simeon, si Ana, at kalaunan, ang mga Pantas na Lalaki. Pinatotohanan nila ang kabanalan ni Jesucristo.

Ang ating mga pamilya at kaibigan ang ilan sa pinakamahahalagang tao na mababahaginan natin ng ating patotoo tungkol sa Tagapagligtas. “Nangungusap tayo tungkol kay Cristo, nagagalak tayo kay Cristo, nangangaral tayo tungkol kay Cristo, nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo, at sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya, upang malaman ng ating mga anak kung kanino sila aasa para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan” (2 Nephi 25:26).

Aktibidad

Basahin kung paano tumugon ang mga saksing ito noong una nilang makita si Jesucristo. Pagkatapos ay isiping ibahagi ang iyong patotoo sa iyong pamilya o sa ilang kaibigan, o itala ang iyong patotoo sa iyong journal.

mga pastol

Mga Pastol

Lucas 2:15–18

The Nativity [Ang Pagsilang ni Jesus], ni Brian Call

Simeon

Simeon

Lucas 2:25–33

Simeon and Christ [Simeon at Cristo] © Lars Justinen / Lisensyado ng Goodsalt.com

Ana

Ana

Lucas 2:36–38

Ana, ni James L. Johnson

Mga Pantas na Lalaki

Mga Pantas na Lalaki

Mateo 2:11

Minerva Teichert (1888–1976), The Three Wise Men, 1937, langis sa canvas, 60 x 45 pulgada, Brigham Young University Museum of Art, 1943