“Paano Tayo Pinagpapala ng Ilaw ng Sanlibutan?,” Liahona, Ene. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Tayo Pinagpapala ng Ilaw ng Sanlibutan?
Naparito si Juan “upang magpatotoo tungkol sa Ilaw,” “ang tunay na Ilaw na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan” (Juan 1:7, 9). “Ang liwanag ay nanggagaling mula sa kinaroroonan ng Diyos … [at] nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:12–13).
Paano tayo pinagpapala ng liwanag? Tingnan sa Alma 19:6; 36:20; Doktrina at mga Tipan 88:67.
Saan nauugnay ang liwanag? Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:45.
Paano tayo lumalago sa liwanag? Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:28.
Sino ang Ilaw ng Sanlibutan? Tingnan sa Juan 8:12; 3 Nephi 18:16, 24.
Itinuro ni Pangulong Lorenzo Snow (1814–1901), “Naniniwala kami na ang espiritu na tumatanglaw sa pamilya ng tao ay nagmumula sa kinaroroonan ng Makapangyarihang Diyos, na lumalaganap ito sa buong kalawakan, na ito ang liwanag at buhay ng lahat ng bagay, at na taglay ito ng bawat pusong tapat ayon sa kanyang kabutihan, integridad, at hangaring malaman ang katotohanan at gumawa ng mabuti sa kanyang mga kapwa tao” (The Teachings of Lorenzo Snow, ed. Clyde J. Williams [1996], 107).