“Isang Kanlungan mula sa Bagyo,” Liahona, Mar. 2023.
Welcome sa Isyung Ito
Isang Kanlungan mula sa Bagyo
Naranasan mo na bang umupo sa ilalim ng isang kanlungan habang bumabagyo? Habang bumabagsak ang tubig-ulan, napakaingay niyon sa bubong at nataatabunan ang iba pang mga ingay. Paano ka mananatiling tuyo sa gitna ng bagyo? Ang kapangyarihan at presensya ng ating Tagapagligtas ay katulad ng kanlungang iyon.
Ang isyung ito ng Liahona ay nakatuon sa kung paano naghahatid ng kapayapaan si Jesucristo sa mga unos ng buhay. Hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok at hamon. Ngunit tulad ng isang kanlungan na pinananatili tayong tuyo habang umuulan, kapag inanyayahan natin si Jesucristo na samahan tayo sa ating paglalakbay, tinutulungan Niya tayong magkaroon ng kapayapaan sa unos. Inaanyayahan ko kayong basahin ang artikulo ni Elder Dieter F. Uchtdorf na “Ang Aking Kapayapaan ay Ibinibigay Ko sa Inyo” (pahina 4). Itinuro niya, “Si Jesucristo, na kumokontrol sa mga elemento, ay maaari ding pagaanin ang ating mga pasanin” at “Hindi kailangang mawala ang kapayapaan sa ating puso, kahit kailangan nating magdusa, magdalamhati, at maghintay sa Panginoon.”
Nakaranas na rin ako ng “mga unos” sa buhay ko. Naituro sa akin ng mga pagsubok na ito na si Jesucristo talaga ang tanging walang-hanggang pinagmumulan ng tulong at kapayapaan. Habang ibinabahagi ko ang aking artikulong “Ang Kapangyarihang Ibangon” (pahina 40), kaya at magagawa ng ating Tagapagligtas na samahan tayo sa ating paglalakbay pauwi. Kasama natin Siya habang naghihintay tayo sa mga ipinangakong pagpapala. At kailanma’y hindi pa huli ang lahat para tulungan Niya tayo. Mahal Niya kayo. Dalangin ko na hayaan ninyo Siyang maging inyong kanlungan at ligtas na lugar anuman ang inyong kinakaharap.
Nagmamahal,
Bonnie H. Cordon
Young Women General President