2023
Paano Ako Mabibigyan ni Cristo ng Lakas na Gumawa ng Kamangha-manghang mga Bagay?
Marso 2023


“Paano Ako Mabibigyan ni Cristo ng Lakas na Gumawa ng Kamangha-manghang mga Bagay?,” Liahona, Mar. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 14

Paano Ako Mabibigyan ni Cristo ng Lakas na Gumawa ng Kamangha-manghang mga Bagay?

Sa buong buhay natin, habang mas napapalapit tayo kay Cristo at natututong marinig ang tinig ng Espiritu, maaari tayong hilingang gumawa ng mga bagay na hindi tayo sigurado. Tulad sa paglakad ni Pedro sa ibabaw ng tubig, mabibigyan tayo ng lakas na gawin ang inaakala nating imposible basta’t nakatuon tayo kay Cristo at, tulad ng itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol, “mabuhay sa pananampalataya at hindi sa takot” (“Mabuhay sa Pananampalataya at Hindi sa Takot,” Liahona, Nob. 2007, 70).

Aktibidad

Basahin ang Mateo 14:22–33 at i-outline ang karanasan ni Pedro.

si Pedro habang naglalakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus

Paano nakalakad si Pedro sa ibabaw ng tubig?

Mga larawang-guhit ni Paul Mann

si Pedro na nagsisimulang lumubog sa tubig

Bakit siya nagsimulang lumubog?

si Jesus na tinutulungan si Pedro na makabalik sa bangka

Paano siya sinagip ng Panginoon?

si Jesus sa ibabaw ng tubig

Kapag nakatuon tayo kay Cristo, lagi Siyang nariyan para tulungan tayo.