“Ano ang Ibig Sabihin ng Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath?,” Liahona, Mar. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Ibig Sabihin ng Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath?
Tinalakay ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano niya pinag-aralan, noong binatilyo pa siya, ang mga listahan ng mga bagay na gagawin o hindi gagawin sa araw ng Sabbath. Nalaman niya kalaunan mula sa mga banal na kasulatan na ang kanyang mga kilos at pag-uugali sa araw ng Sabbath ay kumakatawan sa isang tanda sa pagitan niya at ng Ama sa Langit (tingnan sa Exodo 31:13).
Sabi niya: “Dahil sa pagkaunawang iyon, hindi ko na kailangan ng mga listahan ng mga dapat at mga hindi dapat gawin. Kapag kailangan kong magpasiya kung ang isang aktibidad ay angkop o hindi sa araw ng Sabbath, tinatanong ko lang ang aking sarili, “Anong tanda ang nais kong ibigay sa Diyos?” (“Ang Sabbath ay Kaluguran,” Liahona, Mayo 2015, 130; may diin sa orihinal).
Aktibidad
Basahin ang mga turo ni Cristo tungkol sa araw ng Sabbath sa Mateo 12:1–13; tingnan din sa Isaias 58:13 at Doktrina at mga Tipan 59:9–13. Punan ang tsart ng mga alituntunin ng doktrina na makikita mo sa mga turong ito. Bilang pamilya, talakayin ang mga paraan na maaari mong ipamuhay ang mga turong ito ngayon. Maaari mong isulat ang iyong mga iniisip sa column na “Pagsasabuhay sa Makabagong Panahon.”
Mga Turo ni Jesus |
Pagsasabuhay sa Makabagong Panahon |