2023
Mga Kaugalian sa Libing ng mga Judio
Marso 2023


“Mga Kaugalian sa Libing ng mga Judio,” Liahona, Mar. 2023.

Mga Kaugalian sa Libing ng mga Judio

Sina Lazaro, Marta, at Maria ay magkakapatid na nakatira sa lungsod ng Betania. Sila ay mga kaibigan ng Tagapagligtas, at dinalaw Niya sila sa maraming okasyon. Sa isang bahagi ng Kanyang ministeryo, nilisan ni Jesus ang Judea, kung saan naroon ang Betania, dahil gusto Siyang patayin ng mga Judio sa lugar na iyon (tingnan sa Juan 10:39–40). Habang wala si Jesus, si Lazaro ay nagkasakit, namatay, at inilibing ayon sa kaugalian ng mga Judio (tingnan sa Juan 11:1–17).

Ito ay ilan sa mga kaugalian na malamang na sinunod nila nang namatay at inilibing si Lazaro.

likidong ibinubuhos sa kamay

Matapos mamatay ang tao, ipinipikit ang kanyang mga mata. Ang katawan ay hinuhugasan ng pabango tulad ng nard, mira, at aloe (tingnan sa Lucas 23:56; Juan 19:38–40).

Mga larawang-guhit ni Noah Regan

mga taong nakatayo sa tabi ng isang katawan na nakabalot sa tela

Ang katawan ay nakabalot sa tela at dinala sa tahanan ng pamilya, kung saan maaaring bumisita ang mga kamag-anak at kapitbahay (tingnan sa Mga Gawa 9:37).

katawan na binubuhat sa isang kabaong

Kadalasan sa loob ng walong oras ng kamatayan, dinadala ang katawan sa libingan lulan ng isang kabaong para makita ng lahat ng bisita ang katawan (tingnan sa Lucas 7:12–14). Pinamunuan ng kababaihan ang prusisyon. Pinunit ng mga miyembro ng pamilya ang suot nilang damit bilang tanda ng pagdadalamhati.

babaeng pumapasok sa nakabukas na libingan

Ang ilang libingan ay inukit sa bato (tingnan sa Mateo 27:58–60). Maliliit ang bukasan ng mga libingan kaya kinailangan ng mga tao na yumuko para makapasok.

katawang nakahiga sa isang mesang bato sa isang libingan

Inihiga ang katawan sa isang mesang inukit sa bato. Tinakpan ng malaking bilog na bato ang libingan para hindi mapasok ng mga magnanakaw o hayop.1

Matapos buhayin ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay, nagkaroon ng malaking dahilan ang Kanyang mga disipulo na umasa sa halip na magdalamhati lamang sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Hindi nila maikakaila na, dahil kay Jesucristo, “hindi mag[ta]tagumpay ang libingan, at hindi mag[ka]karoon ng tibo ang kamatayan” (Mosias 16:7).

Tala

  1. Tingnan sa Henri Daniel-Rops, Daily Life in Palestine at the Time of Christ (trans. Patrick O’Brian, 1962), 328–33; tingnan din sa Bible Dictionary, “Burial.”