2021
Isang Payapang Pakiramdam
Setyembre 2021


Kaibigan sa Kaibigan

Isang Payapang Pakiramdam

Mula sa interbyu ni Lucy Stevenson Ewell.

boy sitting in garden on bench with teacher

Isang umaga noong 11 taong gulang ako, nagising ako at nakarinig ng mga tinig sa sala. Walang sinumang pumunta upang gisingin ako para pumasok sa paaralan na karaniwang ginagawa nila. Nang lumabas ako para tingnan kung ano ang nangyayari, nalaman ko na pumanaw na ang tatay ko.

Habang nag-uusap ang pamilya ko sa sala, nagpunta ako sa aming hardin. Malaki ang aming hardin, at tinulungan ko ang tatay ko na alagaan ito. Umupo ako sa bangko sa ilalim ng mga puno at umiyak. Talagang nalulungkot at nalilito ako.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakita kong binubuksan ng guro ko sa Primary ang tarangkahan. Lumapit siya at umupo sa bangko sa tabi ko at sinabing, “Joni, naaalala mo ba ang aral na natutuhan natin noong nakaraang Linggo tungkol sa plano ng kaligtasan?” Muling ipinaliwanag sa akin ng guro ko na ang ating mga kaluluwa ay binubuo ng espiritu at katawan. Sinabi niya na ang espiritu ng tatay ko ay nasa mainam na lugar, at balang-araw siya ay mabubuhay na mag-uli. Balang-araw ay makikita ko siyang muli.

Kahit malungkot pa rin ako, nakadama ako ng kapayapaan. Naaalala ko ang kapayapaang ito tuwing iniisip ko ang karanasang iyon. Nag-minister sa akin ang guro ko sa Primary, at pinanatag ako ng Espiritu Santo. Nakatulong ito para patatagin ang aking patotoo tungkol sa pagmamahal ng Ama sa Langit at sa plano ng kaligtasan.

Anuman ang pinagdaraanan mo, nagmamalasakit ang Diyos sa iyo. Hindi kailangang nasa hustong gulang ka na para madama ang Espiritu na nagpapatotoo na magiging maayos ang lahat. Maaari kang magkaroon ng patotoo sa plano ng Ama sa Langit. Makadarama ka ng kapayapaan.

Friend Magazine, Global 2021/09 Sep

Paglalarawan ni Arthur Lin