Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Eleanor mula sa USA
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Eleanor
Edad: 7
Mula sa: Florida, USA
Wika: Ingles
Pamilya: Inay, Itay, dalawang ate at dalawang kuya, pati na ang kanyang asong si Coco, at ang kanyang pusang si Sushi!
Mga mithiin at pangarap: 1) Gumawa ng 100 magagandang bagay sa loob ng isang linggo. 2) Maging dolphin trainer at doktor.
Ang mga Matulunging Kamay ni Eleanor
Matapos ang malakas na bagyo sa Florida, USA, nasira ang bahay ni Eleanor. Napinsala rin ang mga tahanan ng kanyang mga kapitbahay. Kaya nagsagawa si Eleanor at ang kanyang mga kapatid ng sarili nilang proyekto ng Matulunging Kamay sa komunidad. Inanyayahan din nila ang kanilang mga kaibigan na sumama sa kanila! Magkakasama silang tumulong sa isang may edad na mag-asawa na maghawi ng isang malaking puno na nakaharang sa kanilang harapang pintuan. Tumulong si Eleanor sa pagliligpit ng mga sanga mula sa daan at tumulong sa paghahakot ng mga piraso ng puno habang pinuputol ito.
Nagsikap nang ilang araw ang mga kapitbahay na magkakaibigan para tumulong sa paglilinis ng basura at mga sanga ng puno mula sa mga kalsada, daanan ng sasakyan, at mga bakuran. Nang dumating ang mas maraming boluntaryo upang tumulong pagkatapos ng bagyo, ipinagamit ni Eleanor ang kanyang kuwarto para may matuluyan sila. Sabi ni Eleanor, “Sinusunod ko si Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa iba, at gustung-gusto kong tumulong sa paglilinis matapos ang bagyo. Ang ganda ng pakiramdam ko kapag ginagawa ko ito. Hindi na nga ito naging mahirap dahil napakasaya ko.”
Mga Paborito ni Eleanor
Lugar: Tahanan
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang ipinanganak Siya sa Betlehem
Awit sa Primary: “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16)
Pagkain: Kamote
Kulay: Asul na parang langit
Subject sa Paaralan: Siyensya