Isinulat Mo
Pagsisikap na Tumulong Gaya ni Jesus
Sinabi ng propeta na gustung-gusto ng Panginoon ang pagsisikap, kaya sinisikap kong tularan si Jesus sa pamamagitan ng pagtulong kapag nakikita kong may isang bagay na kailangan. Noong nasa bahay kami noong quarantine, tinulungan ko ang aking ina na gumawa ng isang munting paaralan para sa dalawang bunsong kapatid kong lalaki na kapwa may autism. Gumawa ako ng mga mumunting takdang-aralin at tinulungan ko sila.
Tinutularan ko si Jesus sa pamamagitan ng pagsisimba at paggawa ng mga bagay na natututuhan ko sa Primary at sa home evening. Sinisikap kong maging mabait sa iba, kahit na mahirap kung minsan. Magandang halimbawa ako sa mga kaibigan ko sa paaralan sa pamamagitan ng hindi pagmumura. Sinisikap kong matuto mula sa aking mga pagkakamali. Nananalangin ako na magkaroon ako ng anumang inspirasyon at lakas na kailangan ko. Alam ko na kapag nagdarasal ako, makakatanggap ako ng sagot at pagtitibayin ito ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng mabuting pakiramdam.
Ang panalangin ay isang magandang paraan ng pagtulong sa iba. Noong nasa ospital ang lolo ko at hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kanya, ipinagdasal ko siya. Pagkatapos ay tumanggap ng tawag ang tatay ko sa telepono na nagsasabing magiging OK ang lolo ko. Napakasaya ko, at nadama ng lolo ko na ipinagdasal ko siya. Hindi tayo palaging nakakakuha ng mga sagot nang ganoon kabilis, ngunit alam ko na tutulungan tayo ng Diyos na maging panatag habang naghihintay tayo.