2021
Ang Kirtland Temple
Setyembre 2021


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang Kirtland Temple

Joseph Smith seeing image of Kirtland Temple

Sinabi ng Diyos kay Joseph Smith na magtayo ng templo. Ito ay magiging tahanan ng Diyos.

children bringing water to workers building the temple

Nagtulungan ang mga Banal sa pagtatayo ng templo. Ang mga kalalakihan ay nagtayo ng matatayog na pader. Ang mga kababaihan naman ay tumahi ng mga kurtina at alpombra. Tumulong ang mga bata sa pagdadala ng mga kagamitan at tubig sa mga manggagawa.

family singing together

Nang matapos ang templo, pumasok rito ang mga Banal. Umawit sila ng isang himno at sumigaw ng “Hosana!” Nanalangin si Joseph para ilaan (basbasan) ang templo.

Jesus appearing to Joseph and Oliver inside temple

Makaraan ang isang linggo, binisita ni Jesucristo sina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa templo. Sinabi ni Jesus na tinanggap Niya ang templo bilang Kanyang tahanan.

three children holding hands and standing outside temple

May mga templo ngayon sa buong mundo! Ang bawat templo ay isang banal na lugar. Balang-araw ay papasok ako sa loob at gagawa ng mga pangako sa Diyos.

Mga paglalarawan ni Apryl Stott