Minamahal na mga Kaibigan,
Nakadama na ba kayo ng pag-aalala o pagkabalisa sa panahon ng bagyo, sakit, o argumento? Alam ni Jesus ang nadarama ninyo, at matutulungan Niya kayo! Sa pahina 3 mababasa ninyo kung paano pinayapa ni Jesus ang isang malakas na bagyo at gumawa ng aktibidad para tulungan kayong makadama ng kapayapaan.
Sa pahina 23, matututuhan ninyo ang isang magandang awitin na tinatawag na “Kapayapaan kay Cristo.”
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Mangyaring isulat at sabihin sa amin kung paano ninyo nadarama ang kapayapaan.
Kung Saan Namin Binabasa ang Kaibigan
Binabasa nina Milfred at Alfred W., edad 7 at 4, Ang Kaibigan sa wikang Ingles sa Kampala, Uganda.
Templo’y Ibig Makita
Binisita ni Logan A., edad 10, ang Montreal Quebec Temple.
Sining ng mga Banal na Kasulatan gamit ang mga Bato!
Para sa home evening, gumawa kami ng sining ng tatlong tagpo sa mga banal na kasulatan gamit ang mga bato. Masaya naming natutuhan ang kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa kapatid ni Jared (Nob. 2020)!
James at Séfora W., edad 6 at 5, Navarre, Spain