2021
Ipakita at Ikuwento
Setyembre 2021


Ipakita at Ikuwento

boy standing behind cardboard podium

Mahirap makinig at maging mapitagan kapag nagsisimba kami sa bahay sa panahon ng pandemya. Sinikap kong isipin kung paano ko maipadarama na espesyal ito at mapitagan ako. May naging ideya ako. Kumuha ako ng dalawang malalaking kahon at ginawa itong isang maliit na pulpito. Masaya akong makatulong na gawing espesyal ang aming simbahan sa tahanan.

Presley F., edad 9, Saxony, Germany

A pohot of Olivia Haibrock

Kapag nakakakita ako ng isang tao sa paaralan na nag-iisa o may masamang araw, inaanyayahan ko siyang makipaglaro sa akin.

Otilia H., edad 9, Region Hovedstaden, Denmark

A portrait of Cannon Anderson

Nagpapasalamat ako para sa isang buhay na propeta. Nasisiyahan akong mag-aral ng mga banal na kasulatan kasama ang aking pamilya bawat linggo gamit ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Tinutulungan ako nitong maunawaan ang mga turo ni Jesus.

Cannon A., edad 10, Arizona, USA

A photo of Ellie Kearl

Binabasa ko ang Aklat ni Mormon matapos akong magkaproblema. Pumasok ang nanay ko at nakita akong nagbabasa at sinabing magandang ideya iyon para tulungan akong kumalma. Naging maganda ang pakiramdam ko.

Ellie K., edad 7, New Hampshire, USA

A photo of Everett Olsen

Noong maysakit ako, nadama ko ang Espiritu Santo nang binigyan ako ng tatay ko ng basbas ng priesthood. Nagpapasalamat ako para sa aking inay at itay.

Everett O., edad 6, Ohio, USA

A picture of Ana Clara Cerqueira Lemke

Mayroon akong alagang iguana, at tuwing tumatakas ito ay nananalangin ako sa Ama sa Langit para hilingin na bumalik ito.

Ana C., edad 6, Espírito Santo, Brazil

A photo of Benjamin Chapman

Hiniling sa akin ng kaibigan ko na maglaro ako ng video game sa araw ng Linggo. Gusto ko talaga pero hindi ako pumayag. Gusto ko pong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Benjamin C., edad 9, California, USA

drawing of children with lots of different skin colors, holding hands

“Lahat Tayo ay Kabilang,” Madison C., edad 10, Utah, USA

drawing of Salt Lake Temple

Alan M., edad 10, California, USA

drawing of First Vision

Dallin H., edad 6, Auckland, New Zealand

girl holding drawing of temple

“Ang Templo,” Vimbai M., edad 9, Dar es Salaam, Tanzania