2021
Pag-awit para kay Jesus
Setyembre 2021


Mula sa Unang Panguluhan

Pag-awit para kay Jesus

Hango sa “Worship through Music,” Ensign, Nob. 1994, 9–12.

three children singing

Ang pagkanta ng mga himno at awitin sa Primary ay isang paraan para maipakita ang ating pagmamahal kay Jesus. Nagpakita Siya ng halimbawa sa atin. Sa pagtatapos ng Huling Hapunan, sama-samang umawit si Jesus at ang Kanyang mga Apostol (tingnan sa Mateo 26:30).

Ang pag-awit ay maaaring:

  • Magpakita ng ating pagmamahal kay Jesus.

  • Magdala ng Espiritu Santo.

  • Maghanda sa atin upang matutuhan ang ebanghelyo.

  • Magbigay sa atin ng espirituwal na proteksyon.

Kapag umaawit ka, isipin kung ano ang sinasabi ng mga salita. Kapag natutukso kang gumawa ng masamang pagpili, subukang ihimig ang isang awitin sa Primary. Habang umaawit ka, mas mapapalapit ka sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Kapayapaan kay Cristo

coloring page of Jesus calming the storm

Isang gabi, habang naglalayag si Jesus at ang Kanyang mga disipulo sakay ng isang barko, nagkaroon ng malakas na bagyo. Natakot ang mga disipulo. Ginising nila si Jesus at hiningan Siya ng tulong. “Paggising [ni Jesus] ay sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. Tumigil nga ang hangin at nagkaroon ng katahimikan” (Marcos 4:39).

Kulayan ang larawan. Pagkatapos ay isulat ang ilan sa mga paborito mong awitin tungkol kay Jesus. Kapag nalulungkot ka o natatakot, kantahin ang isa sa mga awitin upang makadama ng kapanatagan at kapayapaan.

Friend Magazine, Global 2021/09 Sep

Paglalarawan ni Jared Beckstrand