Isinulat Mo
Isang Espesyal na Tanghalian
Dahil sa COVID-19, sinimulan ko ang ikatlong grado sa pamamagitan ng online na pag-aaral. Pagkaraan ng isang buwan ng online na pag-aaral, nakabalik ako sa paaralan. Masaya akong makasamang muli ang ibang mga bata! Ngunit mahirap makipagkaibigan. Ginugol ko ang ilang recess nang mag-isa.
Isang araw ay ibinalita ng guro ko na magkakaroon ng dalawang bagong estudyante sa klase namin. Tuwang-tuwa ako! Nang araw na dumating ang dalawang bagong batang lalaki, tinulungan ko silang ihanda ang kanilang mga suplay. Naalala ko ang mga unang linggo ko sa eskuwela at kung gaano kahirap makipagkaibigan. Gusto kong subukang gawing espesyal ang kanilang araw. Alam ko na iyon ang gagawin ni Jesus. Pagkatapos ay pumasok sa isip ko ang isang ideya: mayroon akong dalawang kupon sa tanghalian kasama ang isang kaibigan at guro. Puwede kong yayain ang dalawang batang lalaki na sumama sa akin.
Noong tanghalian na, inanyayahan ko silang sumabay. Sinabi nila na gusto nilang sumama! Kinuha namin ang aming tanghalian at naglakad sa pasilyo papunta sa aming silid-aralan. Maganda ang pakiramdam na isama sila at ipadama sa kanila na malugod silang tinatanggap.