Masasayang Bagay
Origami ng Hamon sa Paglilingkod
Kapag naglilingkod tayo sa iba, naglilingkod rin tayo kay Jesus. Una ay sundin ang mga hakbang sa origami. Pagkatapos ay gamitin ang iyong sining ng pagtutupi para gawin ang aktibidad sa ibaba kasama ang isang kaibigan o nang mag-isa.
Paano Ito Gawin
-
Itupi ang isang parisukat na papel sa kalahati sa dalawang direksyon, pagkatapos ay ibuka ang papel.
-
Itupi sa kalahati nang padayagonal o pahilis sa parehong direksyon, pagkatapos ay ibuka ang papel.
-
Itupi ang bawat sulok hanggang sa punto sa gitna para makabuo ng parisukat.
-
Baligtarin ang parisukat at muling itupi ang mga sulok papunta sa gitna.
-
Isulat ang mga numerong 1–8 sa bawat tatsulok.
-
Sa ilalim ng bawat tatsulok, sumulat ng isang kabaitan na magagawa mo para sa ibang tao.
-
Baligtarin ang parisukat. Sa bawat tatsulok, sumulat ng isang salita na nagpapaalala sa iyo tungkol kay Jesus.
-
Idausdos ang iyong mga daliri sa ilalim ng apat na parisukat para mag-pop up ang origami.
Paano Laruin!
-
Pumili ng isa sa mga salita at baybayin ito nang malakas. Sa bawat titik, igalaw ang iyong mga daliri para buksan ang origami nang pabalik-balik.
-
Pumili ng isang numero. Bumilang habang muling ginagalaw ang iyong mga daliri sa bawat numero.
-
Pumili ng isa pang numero. Itaas ang tatsulok para mabasa kung ano ang nasa ilalim. Pagkatapos ay gawin ang gayong bagay para sa isang tao!