Para sa mga Mas Nakatatandang Bata
Bahagi para sa Family History
Pumili ng isang kapamilya na gusto mong makilala pa. Maaari mo bang alamin ang tatlong bagay tungkol sa kanila? Isulat ang kanilang pangalan sa iyong journal at magdrowing ng larawan para sa bawat bagay na natutuhan mo.
Pagtuklas sa Aking Ninuno
Isang taon na ang nakararaan, tiningnan namin ang ilang lapida ng aking mga ninuno. Tiningnan namin ang mga petsa at nakita namin na ang isa sa aking mga ninuno ay hindi namatay bilang isang sanggol tulad ng inakala namin. Pumanaw siya noong siya ay 11 taong gulang, kagaya ng edad ko. Naghahanda akong pumunta sa templo upang mabinyagan para sa kanya! Nasasabik na ako.
Mary T., edad 11, Texas, USA
Mungkahi para sa Paghahandang Makapunta sa Templo
Kahit malayo ang iyong tinitirhan sa templo, maaari ka pa ring makakuha ng temple recommend sa Enero ng taon na ikaw ay magiging 12 taong gulang! Kausapin ang isang magulang o lider tungkol sa mga tanong sa temple recommend. Ano ang magagawa mo ngayon upang matanggap ang iyong recommend?