Mahal nating lahat ang ating pamilya sa lupa. Ngunit hindi tayo palaging nagkakasundo. Normal lamang na magkaroon ng mga alitan at nasaktang damdamin kung minsan. Pero maaari tayong magtulungang pagalingin ang mga sakit na iyon at mas mapalapit sa isa’t isa.
Maging tagapamayapa sa inyong tahanan. Turuan ang inyong mga anak kung paano ayusin ang mga alitan, maging mabait, magpatawad, at sikaping magpakabuti sa bawat araw. Kapag sama-sama, magagawa ninyong maging mas mapagmahal at mapayapa ang inyong tahanan. Maaari kayong magsimula sa ilang ideya mula sa mga kuwento sa pahina 8, 36, at 40.