Ang Waging Pagpili
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Puwesto na kayo, handa, takbo!
At ang nagwagi ay …
… si Nathan!
Makakasali ka sa Paligsahan sa Takbuhan ng Lalawigan! Makikipagpaligsahan ka sa mga pinakamabilis na bata sa British Columbia.
Hindi nga! Nasasabik na ako.
Kalaunan noong linggong iyon …
Kapapadala lang ng iyong coach ng iskedyul para sa paligsahan.
Naku … sa Linggo na ang paligsahan!
Dapat ba akong pumunta? Paano kung ito lang ang pagkakataon ko? Baka hindi na ako maaring sumali sa susunod na taon.
Sori po, Coach. Hindi ako sumasali sa mga paligsahan kapag Linggo. Gusto ko pong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.
Masaya ako na unahin si Cristo. Alam ko na tama ang pagpili ko.