Kaibigan
Hello mula sa Vanuatu
Mayo 2024


“Hello mula sa Vanuatu!” Kaibigan, Mayo 2024, 12–13.

Hello mula sa Vanuatu!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Vanuatu ay isang tropikal na islang bansa sa Pacific Ocean. Mahigit 300 libong tao ang naninirahan doon!

Wika

Bislama, English, at French ang opisyal na mga wika. Halos lahat ay nagsasalita ng Bislama!

Ang Aklat ni Mormon

Larawan
Mga miyembro ng Simbahan at ang Aklat ni Mormon sa Bislama

Ang Aklat ni Mormon ay isinalin sa Bislama noong 2004. Mula noon, mga 8,000 tao pa ang sumapi sa Simbahan sa Vanuatu!

Tropikal na Isla

Larawan
Dalampasigan at bangka

Ang Vanuatu ay kilala sa magagandang beach at malinaw na asul na tubig nito. Ang ilan sa mga beach ay itim ang buhangin!

Makulay na Pera

Larawan
Pera ng Vanuatu at isang tropikal na ibon

Matingkad ang kulay ng pera ng Vanuatu na nagpapakita ng mga tanawin mula sa pamumuhay sa mga isla at mga halaman at hayop na naninirahan doon.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Anna Oldroyd

Print