Kaibigan
Ano ang Nasa Isip Mo?
Mayo 2024


“Ano ang Nasa Isip Mo?” Kaibigan, Mayo, 2024, 38.

Ano ang Nasa Isip Mo?

Paano ko malalaman kung ang Espiritu Santo iyon o ako?

—Prompted sa Paris

Mahal na Prompted,

Maaaring ginagabayan ka ng Espiritu Santo nang higit kaysa inaakala mo. Kung nabinyagan at nakumpirma ka na at ginagawa mo ang lahat para masunod ang mga kautusan, “sa tuwina ay mapa[pasaiyo] ang kanyang Espiritu upang makasama [mo]” (Doktrina at mga Tipan 20:77) Pero paano mo masasabi?

Inaakay tayo ng Espiritu Santo “sa paggawa ng mabuti” (Doktrina at mga Tipan 11:12) at tinutulungan tayong “[malaman] ang katotohanan ng lahat ng bagay” (Moroni 10:5). Kung naiisip mong gumawa ng mabuti o nadarama mong mahal mo ang Tagapagligtas, malamang ay nagmumula iyan sa Espiritu Santo!

Kadalasan, hindi gumagamit ang Espiritu Santo ng malakas na tinig o nagbibigay sa iyo ng talagang matinding pakiramdam. Ito ay tahimik at payapa. Ang pagkatutong sundin ang Espiritu Santo ay maaaring mangailangan ng praktis.

Kaya mong gawin ito!

Ang Kaibigan

Nililiwanagan ng mga kaisipan at damdamin mula sa Espiritu Santo ang ating landas pabalik sa Ama sa Langit. Kulayan ang bawat bombilya habang binabasa mo ang ilang paraan na matutulungan ka ng Espiritu Santo.

Magagawa ng Espiritu Santo na …

  • puspusin ako ng pagmamahal, kagalakan, kapayapaan, pananampalataya, at pag-asa.

  • bigyan ako ng mga ideya para makatulong at makapaglingkod.

  • tulungan akong maalala ang mabubuting bagay.

  • tulungan akong malaman kung ano ang totoo.

  • tulungan akong maunawaan ang natututuhan ko.

Larawan
PDF ng Kuwento

Print