Kaibigan
Kapangyarihan ng Templo
Mayo 2024


“Kapangyarihan ng Templo,” Kaibigan, Mayo 2024, 2–3.

Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Kapangyarihan ng Templo

Hango mula sa “Magalak sa Kaloob na mga Susi ng Priesthood,” Liahona, Mayo 2024, 119–21.

Noong Marso, binili ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Kirtland Temple. Ang templong ito ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Noong Abril 3, 1836, nagpakita si Jesucristo kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland Temple. Tinanggap ng Tagapagligtas ang templo bilang Kanyang bahay. Pagkatapos ay nangako Siya, “Ipakikita ko ang aking sarili sa awa sa aking mga tao sa bahay na ito” (Doktrina at mga Tipan 110:7). Ang pangakong ito ay angkop din sa bawat templo ngayon.

Sa templo, maaari kayong makatanggap ng mga sagot sa panalangin. Maaari din kayong makatanggap ng pananampalataya, lakas, kapanatagan, kaalaman, at kapangyarihan. Ang oras sa templo ay tutulong sa inyo na mag-isip nang selestiyal at makita kung sino kayo talaga at kung sino ang maaari ninyong kahinatnan. Tutulungan kayo nitong maunawaan kung paano kayo umaakma sa napakagandang plano ng Diyos. Pangako ko iyan sa inyo.

Ang Kirtland Temple

Kirtland Temple

Cut-Out Activity

Gupitin ang paligid ng mga gilid ng Kirtland Temple. Pagkatapos ay tiklupin sa tulduk-tuldok na mga linya at pagdikitin ng teyp ang mga gilid at bubong.

Ano ang Kirtland Temple?

Ang Kirtland Temple ay itinayo sa Kirtland, Ohio, USA, noong 1836. Ito ang unang templo ng ipinanumbalik na Simbahan.

Kalaunan, kinailangan itong iwanan ng mga miyembro ng Simbahan para magpunta sa kanluran. Inalagaan ng isa pang simbahan ang gusali sa loob ng maraming taon. Kamakailan, binili ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang templo.

PDF ng Pahina

Painting ni David Green