Kaibigan
Isang Pakikipag-usap kay Isabela tungkol sa mga Tipan
Mayo 2024


“Isang Pakikipag-usap kay Isabela tungkol sa mga Tipan,” Kaibigan, Mayo 2024, 40–41.

Isang Pakikipag-usap kay Isabela tungkol sa mga Tipan

Si Isabela ay mula sa Alajuela, Costa Rica. Tinanong namin siya kung ano ang ibig sabihin ng tuparin ang kanyang mga tipan sa binyag.

Headshot ni Isabela

Magkuwento ka sa amin tungkol sa iyong sarili.

Batang babaeng may kasamang aso
Pizza at spaghetti

Ako ay 13 taong gulang. Mahilig akong maglaro ng football, magluto, manahi, lumangoy, at maglingkod sa iba. Pangarap kong maging veterinarian dahil gustung-gusto kong tumulong sa mga hayop. Ang mga paborito kong pagkain ay spaghetti at pizza, at ang paborito kong kulay ay purple.

Paano mo tinutupad ang iyong mga tipan sa binyag?

Batang babaeng nakapangalumbaba habang nag-iisip

Nagsisisi ako at tumatanggap ng sakramento bawat linggo. May calling ako sa aking Young Women class, at sinisikap kong seryosohin ito. Tinutupad ko rin ang aking mga tipan sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

Ano ang ginagawa mo para paglingkuran ang iba?

Batang babaeng naglalaro ng blocks kasama ang mas batang babae

Gusto kong tulungan ang aking pamilya. Madalas akong makipaglaro sa tatlong-taong-gulang kong pinsan na si Lina habang nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Gusto kong tulungan ang aking lolo’t lola kapag kailangan nila ako. Tinutulungan ko ring mag-aral ang kaklase ko para sa mga French exam niya sa paaralan.

Kuwentuhan mo pa kami tungkol sa calling mo.

Mga batang babaeng magkakasamang nakatayo na nakadamit-pangsimba

Ako ang first counselor sa Young Women class ko. Kabilang sa mga tungkulin ko ang pagmi-minister sa mga kabataang babae. Nangangahulugan ito ng pagtulong sa kanila anuman ang kailangan nila. Nagpupunta ako sa klase at mga aktibidad, at sinisikap kong kaibiganin ang iba pang mga batang babae sa klase ko na hindi nagpupunta.

Anong payo ang ibibigay mo sa isang tao tungkol sa una niyang calling?

Mga batang babaeng nakikinig sa guro ng Young Women

Sasabihin ko sa kanila na hindi sila kailangang kabahan. Ang calling ay isang paraan lamang para makatulong ka sa gawain ng Ama sa Langit. Ang pinakamainam na paraan para matulungan ang iba ay sa pamamagitan ng iyong halimbawa!

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Vivian Mineker