“Kilalanin si Elder Patrick Kearon,” Kaibigan, Mayo 2024, 7.
Tumawag ng Bagong Apostol
Kilalanin si Elder Patrick Kearon
Hango sa Trent Toone, “The ‘beautiful’ and ‘stretching’ life experiences that prepared Elder Kearon to be an Apostle,” Church News, Ene. 23, 2024.
Si Elder Patrick Kearon ang pinakabagong miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol! Siya ay isinilang at lumaki sa England. Nanirahan din sila ng kanyang pamilya sa Saudi Arabia nang magtrabaho roon ang kanyang ama. Tinawag siya bilang Apostol noong Disyembre 7, 2023.
Noong young adult siya, nakilala ni Elder Kearon ang ilang missionary sa London mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw pero hindi siya naging interesado sa kanilang mensahe. Kalaunan, sinimulan siyang turuan ng mga missionary tungkol sa ebanghelyo at nadama niya ang Espiritu Santo. Habang pinag-aaralan pa niya ang iba pa tungkol sa Simbahan, tumanggap si Elder Kearon ng isang priesthood blessing. Isang magandang karanasan daw iyon na nakatulong sa kanya na magpasiyang sumapi sa Simbahan. Nabinyagan siya sa Bisperas ng Pasko noong siya ay 26 na taong gulang.
Si Elder Kearon at ang kanyang asawang si Leticia ay may tatlong anak. Namatay ang panganay nilang anak noong sanggol pa ito. Napakalungkot ng panahong ito para kina Elder at Sister Kearon. Pero nagpalakas ito ng kanilang pananampalataya sa pagkabuhay na mag-uli at sa ebanghelyo ni Jesucristo. Tinawag si Elder Kearon bilang General Authority Seventy noong 2010. Gustung-gusto niyang makita ang mga miyembro ng Simbahan na tumutulong sa mga taong nangangailangan sa buong mundo.
Nagpapasalamat si Elder Kearon sa plano ng kaligtasan. Alam Niya na kahit sa mahihirap na panahon ay maaari nating madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas.