“Pagsunod kay Jesus sa Vanuatu,” Kaibigan, Mayo 2024, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa Vanuatu
Kilalanin si Emma!
Paano Sinusunod ni Emma si Jesus
Sinusunod ni Emma si Jesucristo sa pagiging mabait. Gusto niyang kaibiganin ang lahat! Mahilig siyang makipag-usap sa mga tao at makipaglaro sa iba pang mga bata. “Gusto kong makipaglaro sa mga kaibigan ko at regaluhan sila dahil gusto ko ang mga tao,” sabi ni Emma. Kung minsa’y gumagawa siya ng mga kard para sa mga kaibigan at kapamilya niya.
Tinutulungan din ni Emma ang nanay niya sa pag-aalaga sa kanyang kambal na mga kapatid. Tumutulong siyang maghanda ng pagkain para sa kanyang pamilya at pinapasuso sa bote ang mga kapatid niyang sanggol. “Maganda at masaya ang pakiramdam ko kapag tumutulong ako. Alam ko na pagpapalain ako ng Ama sa Langit,” sabi ni Emma.
Tungkol kay Emma
Edad: 10
Mula sa: Shefa, Vanuatu
Mga Wika: Ingles, Bislama, Fijian
Mga Mithiin: 1) Makapagmisyon. 2) Maging piloto.
Mga Libangan: Swimming at karaoke
Pamilya: Emma, Inay, Itay, isang kapatid na babae, at dalawang kapatid na lalaki
Mga Paborito ni Emma
Kuwento sa Aklat ni Mormon: Paglisan ni Lehi at ng kanyang pamilya sa Jerusalem (tingnan sa 1 Nephi 2)
Tradisyon sa holiday: Pamimigay ng mga kendi at kard sa mga kaibigan para sa Easter o Pasko ng Pagkabuhay
Mga prutas at gulay: Saging, mansanas, orange, pakwan, litsugas, at carrot
Kulay: Pink
Awitin sa Primary: “Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98)