Kaibigan
Ano ang Binyag at Kumpirmasyon?
Mayo 2024


“Ano ang Binyag at Kumpirmasyon?” Kaibigan, Mayo 2024, 46–47.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Ano ang Binyag at Kumpirmasyon?

Batang babaeng binibinyagan

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Bininyagan si Jesucristo. Kapag nagwalong taong gulang ka na, maaari ka ring mabinyagan!

Kapag bininyagan ka, ilulubog ang buong katawan mo sa tubig. Ipinapaalala nito sa atin na ang mga kasalanan at masasamang pasiya ay maaaring mapawi dahil kay Jesucristo.

Nangangako ka sa Ama sa Langit na gagawin mo ang lahat para masunod ang Kanyang mga utos.

Batang babaeng tumatanggap ng basbas sa kumpirmayon

Kasunod ng binyag ang kumpirmasyon. Ito ang oras na matatanggap mo ang kaloob na Espiritu Santo. Nangangahulugan iyan na maaari mong makasama palagi ang Espiritu Santo! Matutulungan ka Niyang tularan ang halimbawa ni Jesus.