“Sino si Haring Benjamin?” Kaibigan, Mayo 2024, 24–25.
Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon
Sino si Haring Benjamin?
Si Haring Benjamin ay propeta ng Diyos at isang matwid na hari. Tinipon niya ang kanyang mga tao para turuan sila. Tumayo siya sa isang tore para mas maraming tao ang makarinig sa kanya. Nagtayo ang mga tao ng mga tolda sa paligid ng tore para makinig. Parang pangkalahatang kumperensya iyon!
Itinuro ni Haring Benjamin na si Jesucristo ay ipapanganak sa mundo. Si Jesus ay magsasagawa ng mga himala. Siya ay magdurusa at mamamatay para sa mga kasalanan ng lahat ng tao. Pagkatapos ay mabubuhay Siyang mag-uli upang muli tayong mabuhay.
Inanyayahan ni Haring Benjamin ang mga tao na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo. Ang ibig sabihin niyan ay nakipagtipan, o nangako, sila na susundin ang Diyos at tutuparin ang Kanyang mga utos.
Ngayon, ipinapakita natin na handa tayong taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Cristo kapag bininyagan tayo.
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Matapos makinig ang mga tao kay Haring Benjamin, kanino sila nakipagtipan? (Mosias 5:5)
-
Ano ang sinabi ni Abinadi kay Haring Noe na kailangan nitong gawin para maligtas? (Mosias 12:33)
-
Matapos umahon sina Alma at Helam mula sa tubig, napuspos sila ng ano? (Mosias 18:14)
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang isang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: Mosias 4:9
-
Linggo 2: Mosias 7:19
-
Linggo 3: Mosias 16:9
-
Linggo 4: Mosias 18:8–10