“Taos-Pusong Nanalangin ang mga Tao ni Alma,” Kaibigan, Mayo 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Taos-Pusong Nanalangin ang mga Tao ni Alma
Si Alma ay isang propeta na nagturo noon sa mga tao. Ang mga naniwala ay nabinyagan. Nakipagtipan sila na susundin nila ang Diyos.
Isang masamang lalaking nagngangalang Amulon ang naging pinuno ng mga tao ni Alma. Napakasama niya sa kanila. Binigyan niya sila ng mabibigat na pasanin.
Humingi ng tulong si Alma at ang kanyang mga tao sa panalangin. Pero gumawa ng batas si Amulon na ang sinumang manalangin ay papatayin.
Tumigil ang mga tao sa pagdarasal nang malakas. Pero patuloy silang nagdasal sa kanilang puso’t isipan. Sinagot ng Diyos ang kanilang mga dalangin!
Alam ng Diyos na nakipagtipan sila sa Kanya. Nangako Siyang palalakasin sila. Inaliw Niya sila at pinagaan ang kanilang mga pasanin. Kalaunan, tinulungan pa sila ng Diyos na matakasan si Amulon at maglakbay tungo sa kaligtasan.