“Maaari Kong Sundin si Jesus sa Pamamagitan ng Pagtanggap ng Sakramento,” Kaibigan, Mayo 2024, 44–45.
Maaari Kong Sundin si Jesus sa Pamamagitan ng Pagtanggap ng Sakramento
Kapag nagsisimba ako, maaari akong tumanggap ng sakramento.
Ibinigay sa atin ni Jesus ang sakramento dahil mahal Niya tayo.
Maaari akong umupo nang mapitagan habang kumakain ako ng tinapay at umiinom ng tubig.
Ang sakramento ay tumutulong sa akin na maalala si Jesus!
Oras ng Aktibidad
Tinuruan tayo ni Jesucristo kung paano magkaroon ng sakramento. Ganito palagi ang ginagawa natin linggu-linggo. Ituro kung alin ang una! Ano ang kasunod?