“Ano ang mga Ordenansa at Tipan?” Kaibigan, Mayo 2024, 22.
Mga Temple Card
Ano ang mga Ordenansa at Tipan?
Ang ordenansa ay isang sagradong hakbang na ginagawa nang may awtoridad ng priesthood, tulad ng binyag at sakramento. Ang tipan ay isang pangakong ginagawa mo sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng isang ordenansa ng priesthood. Nakatutulong sa atin ang mga ordenansa at tipan na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaari ka ring gumawa ng ilang tipan sa templo balang-araw.
Port Vila Vanuatu Temple
-
Ito ang magiging unang templo sa Vanuatu!
-
Itatayo ito sa isla ng Efate, isa sa 80 isla sa bansa.
-
Ang susunod na pinakamalapit na templo ay mahigit 700 milya (1,127 km) ang layo sa Fiji.
Neiafu Tonga Temple
-
Ito ang magiging pangalawang templo sa Tonga.
-
Dumating sa Tonga ang mga unang missionary noong 1891. Marami nang miyembro ngayon doon.
-
Dumalo ang hari at reyna ng Tonga sa groundbreaking ng pagtatayo ng templo.