“Pakikinig sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Mayo 2024, 39.
Isinulat Mo
Pakikinig sa Espiritu Santo
Isang araw sa oras ng home evening, tinalakay ng nanay ko ang tungkol sa Espiritu Santo. Sinabi niya na madalas magsalita ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagbibigay ng ideya sa iyong isipan.
Nang sabihin niya iyon, gulat na gulat ako. Bago iyon, nagdasal ako at hiniling ko sa aking Ama sa Langit na tulungan akong marinig ang Espiritu Santo. Pero hindi ko alam na maaaring mangusap nang gayon ang Espiritu Santo sa aking isipan. Buong buhay na akong nagkaroon ng mga ideyang gumabay sa akin na piliin ang tama. Ngayo’y alam ko nang nagmula ang mga ideyang iyon sa Espiritu Santo!
Mula noon, mas lalo ko nang napapansin ang Espiritu Santo. Noon lang nakaraang Linggo, nagkaroon kami ulit ng home evening. Sa pagkakataong ito ay tungkol iyon sa mga patotoo. Hindi ko talaga alam kung ano ang patotoo, kaya tinanong ko ang tatay ko. Sinabi niya sa akin na ang patotoo ay isang bagay na alam o pinaniniwalaan mong totoo. Sinabi niya na nakukuha natin ang ating patotoo mula sa Espiritu Santo. Pagkatapos ay naisip ko kung paano ko mas napansin ang Espiritu Santo, at BOOM! Nagkaroon din ako ng patotoo!
Ang pagkaalam dito ay mas nagpapasaya sa akin. Gusto kong maging mas mabuting alagad ni Jesucristo at palaging makinig sa Espiritu Santo.