“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Mayo 2024, 5.
Mga Tala sa Kumperensya
Mga Pangako sa Tipan
Itinuro ni Pangulong Oaks na ang tipan ay isang pangakong gawin ang ilang bagay. Halimbawa, nangangako ang mga doktor at bumbero na maglilingkod sa mga tao sa kanilang komunidad. Kapag nakikipagtipan tayo sa Ama sa Langit, tulad noong mabinyagan tayo, nangangako tayong paglilingkuran Siya at susundin ang Kanyang mga utos. Pinagpapala Niya tayo kapag tinutupad natin ang ating mga tipan.
Itinuturo nito sa akin na:
Patuloy na Sumagwan
Nagkuwento si Elder Renlund tungkol sa isang kayaking trip kung saan naunahan niya ang kanyang pamilya sa pagsagwan. Nang tumigil siya, itinaob siya ng isang alon sa tubig. Sinabihan siya ng guide na patuloy na sumagwan para makausad siya at hindi tumaob. Kung patuloy tayong “sasagwan” patungo sa Tagapagligtas, maaari tayong manatiling ligtas at sigurado.
Itinuturo nito sa akin na:
Pagkakaroon ng Patotoo
Ibinahagi ni Pangulong Pace kung paano siya tinanong ng kanyang ina, noong 11 taong gulang siya, kung alam niya mismo na ang ebanghelyo ay totoo. Nagpasiya siyang basahin ang Aklat ni Mormon at ipagdasal na malaman iyon. Nang ipagdasal niya iyon, nadama niya ang kapanatagan at kapayapaan mula sa Espiritu Santo. Nakatulong ito sa kanya na magkaroon ng sariling patotoo.
Itinuturo nito sa akin na:
Limang Bato
Isinalaysay ni Sister Spannaus ang kuwento tungkol kina David at Goliat. Tulad noong may limang bato si David para labanan si Goliat, may limang “bato” na tutulong sa inyo na harapin ang mga hamon sa buhay. Ito ay ang pagmamahal sa Diyos, pananampalataya kay Jesucristo, pagkaalam na kayo ay anak ng Diyos, araw-araw na pagsisisi, at pag-access sa kapangyarihan ng Diyos.
Itinuturo nito sa akin na: