Kaibigan
Mahal na mga Magulang
Mayo 2024


“Mahal na mga Magulang,” Kaibigan, Mayo 2024, pabalat sa likod.

Mahal na mga Magulang,

Ang sakramento ay kaloob mula sa Tagapagligtas na tutulong na maalala at sundin natin Siya bawat linggo. Maaari mong basahin ang “Malinis nang Muli” (pahina 18) para matulungan ang iyong nakatatandang mga anak na pag-isipan kung paano tayo tinutulungan ng sakramento na tuparin ang ating mga tipan. Kasama ang mas maliliit na bata, basahin ang “Maaari Kong Sundin si Jesus sa Pamamagitan ng Pagtanggap ng Sakramento” (pahina 44). Pag-usapan kung ano ang ginagawa natin sa bawat bahagi ng sakramento. Maaari mo ring basahin ang mga panalangin sa sakramento sa iyong mga anak. Ipataas sa kanila ang isang larawan ni Jesucristo sa tuwing maririnig nila ang Kanyang pangalan. Makakatulong ito sa kanila na isipin Siya sa oras ng sakramento.

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

Larawan
PDF ng Pahina

Print