Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan
Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Monson na ilahad ko na sa inyo ngayon ang mga General Authority, Area Seventy, at general auxiliary presidency ng Simbahan para sa inyong pagsang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Thomas Spencer Monson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Henry Bennion Eyring bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Dieter Friedrich Uchtdorf bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
Ang mga sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga di-sang-ayon, kung mayroon, mangyaring ipakita.
Ang pagboto ay naitala na.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Russell M. Nelson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at ang sumusunod bilang mga miyembro ng korum na iyon: Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, at, bilang mga bagong miyembro ng Korum ng Labindalawa, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, at Dale G. Renlund.
Ang sang-ayon, magtaas lamang ng kamay.
Ang di-sang-ayon, ipakita lamang.
Ang pagboto ay naitala na.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang di-sang-ayon, kung mayroon man, ipakita lamang.
Ang pagboto ay naitala na.
Dahil sila ay tinawag na maglingkod bilang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa, inire-release natin si Ronald A. Rasband bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu at sina Elder Rasband at Elder Dale G. Renlund bilang mga miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu.
Ang mga nais makiisa sa aming pasasalamat, ipakita lamang.
Iminumungkahi na i-release namin nang may taos-pusong pasasalamat sa matapat nilang paglilingkod si Elder Don R. Clarke bilang miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu at sina Elder Koichi Aoyagi at Bruce A. Carlson bilang mga miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu at italaga sila bilang mga emeritus General Authority.
Ang mga nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa mahusay nilang paglilingkod, mangyaring ipakita.
Inire-release din namin si Serhii A. Kovalov bilang Area Seventy.
Ang mga nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa kanyang paglilingkod, ipakita lamang.
Sa pagkakataong ito, itinala namin ang pag-release kina Brother John S. Tanner bilang unang tagapayo sa Sunday School general presidency at Brother Devin G. Durrant bilang pangalawang tagapayo sa Sunday School general presidency. Tulad ng ibinalita noong una, si Brother Tanner ay itinalaga bilang pangulo ng BYU–Hawaii.
Lahat ng nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa mga kapatid na ito sa kanilang paglilingkod at katapatan, mangyaring ipakita.
Si Devin G. Durrant ay tinawag na maglingkod bilang unang tagapayo sa Sunday School general presidency at si Brother Brian K. Ashton na maglingkod bilang pangalawang tagapayo sa Sunday School general presidency.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga di-sang-ayon, kung mayroon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority, Area Seventy, at general auxiliary presidency sa kasalukuyan.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga di-sang-ayon, kung mayroon.
Ang pagboto ay naitala na. Inaanyayahan namin ang mga tumutol sa alinman sa mga iminungkahi na kontakin ang kanilang stake president.
Mga kapatid, salamat sa inyong pananampalataya at mga dalangin sa ngalan ng mga pinuno ng Simbahan.
Hinihiling namin ngayon sa mga bagong miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol na umupo sa kanilang lugar dito sa itaas. Magkakaroon sila ng pagkakataong magsalita sa atin bukas ng umaga.