2011
Dalawang Libong Binatang mga Mandirigma
Oktubre 2011


Dalawang Libong Binatang mga Mandirigma

May tapang

1. Dal’wang libong binatang mga mandirigma,

Lumaban sa digmaan, ganito’ng sigaw nila:

Ang D’yos aming kaanib; S’ya’y paglilingkuran.

Hindi sila natakot na buhay ay ilaan.

2. Handa at tinuruan ng kanilang ina

Na D’yos pagkatiwalaan sa isip at gawa,

D’yos ang mangangalaga, at S’yang magpapala.

Tiyak nilang ina’y a-lam; sa D’yos nagtiwala.

3. Si Helaman ang puno nitong matatapang

Nagkaisa, nanalig, at sila’y nanindigan.

‘Di nais na lumaban kundi makalaya,

‘Pinagtanggol buhay, kalayaan, D’yos, pamilya.

4. Dal’wang libong binatang layunin ay wagas,

Lakas nila’y buhat sa D’yos, buhay ay naligtas.

Pananampalataya ang s’yang nagpasigla.

Lumaban nang ubod lakas, D’yos kapanig nila.

© 2009 nina Bonnie Hart Murray at Janice Kapp Perry. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.

Print