2011
Sino ang Sumulat ng Aklat ni Mormon?
Oktubre 2011


Sino ang Sumulat ng Aklat ni Mormon?

Iniukit ng mga sinaunang propeta, mananalaysay, at pinuno ang kanilang patotoo at kasaysayan sa mga laminang ginto. Kalaunan, isinalin ni Propetang Joseph Smith, sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos, ang pinaikling ulat ng orihinal na mga laminang iyon.

Mga May-akda o Pinagmulan ng Orihinal na mga Sinaunang Talaan

Mga Talaang Bumuo sa mga Lamina

Nephi1, Jacob, Enos, Jarom, Omni, at iba pa

Maliliit na lamina ni Nephi (mga espirituwal na talaan; mga 600 B.C. hanggang 130 B.C.)

Mormon

Mga Salita ni Mormon (pinagdurugtong ang maliliit na lamina at ang pinaikling ulat ng malalaking lamina ni Nephi; tingnan sa mga talata 1–18)

Mga laminang tanso ni Laban (tingnan sa 1 Nephi 5:10–14)

Malalaking lamina ni Nephi (mga temporal na talaan at kasaysayan ng relihiyon; mga 130 B.C. hanggang A.D. 321)

Zenif

Lehi (tingnan sa 2 Nephi 1:1–4, 11; D at T 3, pambungad ng bahagi); Benjamin (tingnan sa Omni 1:12–23; Mga Salita ni Mormon 1:16–18; Mosias 1–6); Mosias2 (tingnan sa Omni 1:23–25; Mosias 6:3); Nakababatang Alma, Mga Anak na Lalaki ni Mosias, Helaman2, Pahoran, Kapitan Moroni, Nephi3, Nephi4

Mormon

Mga talaan ni Mormon (mga A.D. 345 hanggang A.D. 385)

Mga talaan ng mga Jaredita sa 24 na lamina, kabilang na ang mga isinulat ni Eter (tingnan sa Eter 1:1–5)

Aklat ni Eter, inedit na mga talaan ng mga Jaredita (mga 2400 B.C. hanggang 600 B.C.)

Moroni

Mga talaan ni Moroni (tingnan sa Mormon 9:30–37; mga A.D. 385 hanggang A.D. 421)

Mga Laminang Ginto na Ibinigay ni Anghel Moroni kay Propetang Joseph Smith noong Setyembre 22, 1827

Ang Aklat ni Mormon

Mga Lamina ni Mormon (mga talaang tinipon at pinaikli nina Mormon at Moroni)

Pahina ng Pamagat*

1 Nephi

2 Nephi

Jacob

Enos

Jarom

Omni

Mga Salita ni Mormon

Mosias

Alma

Helaman

3 Nephi

4 Nephi

Mormon

Eter

Moroni

Bahaging mahigpit na nakasara (hindi isinalin)

  • Ipinaliwanag ni Joseph Smith na, “Ang pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon ay literal na pagkakasalin, na hinango sa pinakahuling pahina, sa kaliwang bahagi ng koleksyon o aklat ng mga lamina” (History of the Church, 1:71).

Noong gabi ng Setyembre 21, 1823, nagpakita ang anghel na si Moroni sa batang si Joseph Smith at sinabi sa kanya ang tungkol sa mga laminang ginto na isasalin bilang Aklat ni Mormon. Pagkaraan ng apat na taon, natanggap ni Joseph ang mga lamina para maisalin ang mga ito (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–54).

Ang orihinal na manuskrito ng pagsasalin ay natapos noong 1829, ang manuskrito ng tagalimbag ay natapos noong 1829–30, at ang unang 5,000 kopya ng Aklat ni Mormon ay inilathala noong 1830.

Mula kaliwa: Larawang kuha ni Jed Clark; Pinaiikli ni Mormon ang mga Lamina, ni Tom Lovell; Nagpakita si Anghel Moroni kay Joseph Smith, ni Tom Lovell; larawang kuha ni Craig Dimond; Ibinibigay ni Moroni ang mga Laminang Ginto, ni Gary Kapp, hindi maaaring kopyahin; larawang kuha ni Emily Leishman; paglalarawan ni John Luke