Panahon sa Aklat ni Mormon
-
Mga Jaredita
Nilisan ng grupong ito ang Tore ng Babel at dumating sa lupain ng Amerika bandang 2200 B.C. Dumami sila hanggang noong mga 600 B.C., nang lipulin ng mga digmaan ang lahat ng tao maliban kay Coriantumer. (Tingnan sa Eter 1–15.)
-
Mga Nephita
Nilisan ng grupo ni Lehi ang Jerusalem noong mga 600 B.C. at nagpunta sa lupain ng Amerika. Unti-unting nahati ang kanyang mga inapo. Nang mamatay si Lehi, ang mabubuti ay sumama pahilaga sa kanyang anak na si Nephi. Nakilala sila bilang mga Nephita. (Tingnan sa 1 Nephi 1–22; 2 Nephi 1–5.)
-
Mga Lamanita
Nang mamatay si Lehi, ang masasama ay nanatili sa panig ng kanyang anak na si Laman at nakilala bilang mga Lamanita. (Tingnan sa 2 Nephi 5.)
-
Mga Mulekita
Pinamunuan ni Mulek, na anak ni Haring Zedekias, ang isang grupo mula sa Jerusalem noong mga 587 B.C. at nagpunta sa lupain ng Amerika. Natagpuan nila si Coriantumer. (Tingnan sa Omni 1:14–21.)
-
Mosias1
Noong mga 225 B.C. ang mga Nephita ay naging masasama, kaya’t pinamunuan ni Mosias1 ang isang grupo ng mabubuting Nephita papunta sa Zarahemla at namuhay kasama ang mga Mulekita. Tinawag nila ang kanilang sarili na mga Nephita. Si Mosias1 ay naging mabuting hari nila. Si Haring Benjamin ang kanyang anak. (Tingnan sa Omni 1:12–23.)
-
Zenif
Noong mga 200 B.C. dinala ni Zenif, na isang Nephita, ang isang grupo patimog upang muling angkinin ang lupain ng mga Nephita. Pagdating ni Zenif at ng kanyang grupo, inalipin sila ng mga Lamanita. Kalaunan, sinugo ni Haring Mosias2 si Ammon upang hanapin ang grupo, at napagbalik-loob ni Ammon si Haring Limhi. (Tingnan sa Mosias 7; 9–22.)
-
Alma1
Dahil isinilang sa kalipunan ng mga tao ni Zenif, si Alma1 ay naging isa sa masasamang saserdote ni Haring Noe. Ang propetang si Abinadi ay pinatay matapos niyang sabihang magsisi si Haring Noe. Ngunit naniwala si Alma1 sa mga itinuro ni Abinadi at tumakas kasama ang isang grupo ng mga mananampalataya, at sa dakong huli ay nakiisa sa mga Nephita. (Tingnan sa Mosias 11; 17–18; 23–24.)
-
Ang Alma2 at ang mga Anak na Lalaki ni Mosias2
Noong kabataan nila, pinagtulungan ng Alma2 at ng mga anak ni Haring Mosias2 na wasakin ang Simbahan. Pinagsabihan sila ng isang anghel, at sila ay nagsisi. Ang Alma2 ay naging mabuting pinuno. (Tingnan sa Mosias 27–29.) Ang mga anak ni Mosias2 ay naging mga misyonero sa mga Lamanita. Pagkatapos ng malaking tagumpay, nagkita-kita silang muli nina Alma2 at nagalak sila. (Tingnan sa Alma 17–26.)
-
Mga Tulisan ni Gadianton
Ang impluwensya ng lihim na samahang ito ng mga mamamatay-tao ay napakalakas kapag masama ang lipunan at napakahina kapag mabuti ang lipunan. Noong mga A.D. 350 naging banta sila sa kaligtasan ng lahat ng tao. (Tingnan sa Helaman 2; 6; 4 Nephi 1:42–46.)
-
Jesucristo
Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli sa Jerusalem, ang Tagapagligtas ay nagpakita sa lupain ng Amerika, nagministeryo sa mga tao, itinuro ang Kanyang ebanghelyo, at inorganisa ang Kanyang Simbahan. Sa loob ng 200 taon pagkatapos ng Kanyang pagdalaw doon, ang mga tao ay namuhay nang payapa. (Tingnan sa 3 Nephi 11–28.)
-
Nalipol ang mga Nephita
Unti-unting nagbalik ang kasamaan, sumiklab ang mga digmaan, at nalipol ang mga Nephita. Iningatan ng tanging nakaligtas, si Moroni, ang mga talaan ng mga Nephita at pagkatapos ay ibinaon ang mga ito bago siya namatay. (Tingnan sa 4 Nephi 1:24–28; Mormon 8:1–8; Moroni 10.)
600 B.C.
500 B.C.
400 B.C.
300 B.C.
200 B.C.
175 B.C.
150 B.C.
125 B.C.
100 B.C.
75 B.C.
50 B.C.
25 B.C.
0
A.D. 33
A.D. 100
A.D. 200
A.D. 300
A.D. 400
Eter
Laman
Lemuel
Mulek
Lehi
Nephi
Jacob
2 Mga Nephita
Enos
Jarom
Omni
5 Mosias1
Benjamin
Mosias2
8 Alma2
Kapitan Moroni
Helaman
Nephi, anak ni Helaman3
Nephi, ang disipulo
Mormon
Moroni
6 Zenif
Noe
Abinadi
7 Alma1
Limhi
Misyon sa mga Lamanita
9 Mga Tulisan ni Gadianton
Samuel, ang Lamanita
Isinilang si Jesus sa Betlehem
10 Jesucristo
Nagsimula na namang magkaroon ng mga Nephita at mga Lamanita
9 Mga Tulisan ni Gadianton
11 Nalipol ang mga Nephita
Mga paglalarawan ni Taia Morley