2018
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Nobyembre 2018


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan na ikinuwento sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(83) Batid na nalalaman ng Tagapagligtas ang kanyang paghihirap, nadaig ng isang matapat na missionary ang kalungkutan habang nagpapagaling mula sa mga sugat na natamo mula sa pagpapasabog ng bomba ng mga terorista. Pagkatapos pumanaw ng kanyang anak, ipinahayag ni Russell M. Nelson na gagamitin ni Jesucristo ang mga susi ng Pagkabuhay na Mag-uli para sa lahat ng namatay. Nagpatotoo si Russell M. Nelson sa mga miyembrong Puerto Rican na “makasusumpong tayo ng kagalakan kahit sa gitna ng ating pinakamalalang kalagayan.”

Brian K. Ashton

(93) Mas naunawaan ng asawa ni Brian K. Ashton ang likas na pagkatao ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal at pasasalamat para sa Kanyang mga anak.

M. Russell Ballard

(71) Matapos ang matinding kalungkutan sa pagkamatay ng mga miyembro ng pamilya at ng milyun-milyong tao na namatay sa digmaan at sakit, natanggap ni Joseph F. Smith ang “pangitain ng pagtubos sa mga patay.”

Steven R. Bangerter

(15) Ang mga apo ni Steven R. Bangerter, ay nagbaon ng mga bato na kumakatawan kay Jesucristo bilang pundasyon ng masayang buhay. Ipinaalala ni Pangulong Russell M. Nelson sa mga magulang ang kanilang responsibilidad na turuan ang kanilang mga anak. Ang anak ni Steven R. Bangerter ay nag-alok na tulungan ang kanyang mga magulang na makapaglingkod sa misyon. Ginabayan ng Espiritu Santo ang isang matandang lalaki na bumalik sa Simbahan at sa espirituwal na kaligtasan noong kanyang kabataan.

Shayne M. Bowen

(80) Ang pagbabalik-loob ng isang lalaki sa Simbahan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Aklat ni Mormon ay tumimo nang matindi kay Shayne M. Bowen.

M. Joseph Brough

(12) Sa isang paglalakbay sa Alaska, USA, natutuhan ni M. Joseph Brough na walang imposible sa Diyos. Natutuhan ng stake president na dumarating ang kapayapaan kasama ng pagpapatawad sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Sa hangarin niyang maglingkod sa misyon, si M. Joseph Brough ay tinuruan ng kanyang anak na gumawa ng mahihirap na bagay.

Matthew L. Carpenter

(101) Tinapos ng anak ni Matthew L. Carpenter ang kanyang full-time mission pagkatapos gumaling mula sa stroke.

D. Todd Christofferson

(30) Sa kabila ng paghihirap, nanatiling matatag ang apat na miyembro sa kanilang pananampalataya kay Cristo at natanggap ang Kanyang tulong.

Quentin L. Cook

(8 ) Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay nagpalakas ng pananampalataya, patotoo, at nagpalalim sa pagkaunawa sa ebanghelyo ng isang pamilya sa Brazil.

Bonnie H. Cordon

(74) Isang dalagita at mas nakatatandang sister ang naging magkaibigan na nagpala sa kanilang buhay. Nagkalapit agad ang kalooban ni Bonnie H. Cordon at ng kanyang ministering companion sa sister na binibisita nila. Naging malapit at nagtiwala sa isa’t isa ang ministering brother at ang isang brother na ang asawa ay nagtangkang magpakamatay.

Michelle D. Craig

(52) Itinuro ni Camilla Kimball sa isang miyembro ng ward na “kahit kailan huwag mong pigilan ang isang mabuting ideya.”

Dean M. Davies

(34) Nakita ni Pangulong Gordon B. Hinckley kung saan itatayo ang Vancouver British Columbia Temple.

Henry B. Eyring

(58) Inisip ni Henry B. Eyring kung paano nagkaroon ng oras at lakas ang kanyang ina sa paggawa ng mapa ng mga lugar na nilakbay ni Apostol Pablo.

(90) Natutuhan ni Henry B. Eyring na isiping parang “may matinding problema” ang mga tao. Tinutulungan ng Tagapagligtas ang asawa ni Henry B. Eyring sa mga pagsubok nito.

Cristina B. Franco

(55) Natutuhan ni Cristina B. Franco na ang pagmamahal at pagsasakripisyo ang sekretong mga sangkap sa chocolate cake ng kanyang titser sa Primary.

Robert C. Gay

(97) Tinulungan ng Espiritu Santo si Robert C. Gay na makita ang kanyang ate tulad ng pagkakita ng Diyos sa kanyang ate. Naglingkod si James E. Talmage sa isang pamilya na nagkasakit ng dipterya.

Jack N. Gerard

(107) Pagkatapos masuri na may matinding karamdaman si Jack N. Gerard, nakita niya ang buhay mula sa walang hanggang pananaw.

Gerrit W. Gong

(40) Pinag-usapan nina Elder Richard G. Scott at Gerrit W. Gong ang pananampalataya habang ipinipinta sa watercolor ang campfire o siga. Tinulungan ng isang maytaglay ng priesthood ang isang di-gaanong aktibong mag-asawa na bumalik sa Simbahan.

Jeffrey R. Holland

(77) Ang pakiusap ng kanyang mga anak ay tumulong sa isang ama na magpatawad at bumalik sa Simbahan, na nagdulot ng mga pagpapala sa kanyang pamilya.

Joy D. Jones

(50) Naging matalik na kaibigan ni Joy D. Jones at ng kanyang asawa ang isang di-gaanong aktibong pamilya matapos matutuhang maglingkod dahil sa pagmamahal para sa Panginoon.

Russell M. Nelson

(6) Gustung-gusto ng isang ina ang pagsisimba sa kanyang tahanan dahil ang pagbabasbas ng sakramento sa kanilang tahanan tuwing Linggo ay naghihikayat sa kanyang asawa na gumamit ng mabuting pananalita.

(68) Hindi sinasadyang natukoy ni Russell M. Nelson ang kanyang sarili bilang isang ina. Pinasalamatan ng isang anak ang kanyang ina pagkatapos hikayatin ng Espiritu Santo ang ina na palitan ng flip phone ang kanyang smartphone.

(87) Ipinaliwanag ni Benjamín De Hoyos sa radio program director na ang mahabang pangalan ng Simbahan ay pinili ng Tagapagligtas.

Dallin H. Oaks

(61) Isang binatilyong refugee ang nabilanggo pagkatapos niyang gantihan ang lumait sa kanya.

Paul B. Pieper

(43) Isang batang babae na naghahandang mabinyagan ang nagsabing ang kahulugan ng pagtataglay ng pangalan ni Jesucristo ay, “Mapapasaakin ang Espiritu Santo.”

Ronald A. Rasband

(18) Nadaig ng anak at manugang na lalaki ni Ronald A. Rasband ang takot nila na magkaroon ng mga anak sa mundong ito.

Gary E. Stevenson

(110) Isang miyembro ng ward ang tumulong sa naligaw na si Carlos A. Godoy. Isang rantsero ang nawalan ng 200 tupa sa mga hayop na maninila. Inakay ng isang sheepdog ang mga nawawalang tupa tungo sa kaligtasan.