2018
Mga Balita Tungkol sa Templo
Nobyembre 2018


Mga Balita Tungkol sa Templo

Ang Simbahan ay nagpaplanong magtayo ng 12 bagong mga templo, na inanunsyo ni Pangulong Russell M. Nelson sa kanyang pangwakas na mensahe sa pangkalahatang kumperensya (tingnan sa pahina 113). Inanunsyo din niya ang mga planong i-renovate ang Salt Lake Temple at iba pang naunang mga templo, at idinagdag na ibibigay kalaunan ang mga detalye tungkol dito.

Ang mga templo ay itatayo sa Mendoza, Argentina; Salvador, Brazil; Yuba City, California, USA; Phnom Penh, Cambodia; Praia, Cape Verde; Yigo, Guam; Puebla, Mexico; Auckland, New Zealand; Lagos, Nigeria; Davao, Philippines; San Juan, Puerto Rico; at Washington County, Utah, USA.

Apat na templo ang malapit nang ilaan: ang Concepción Chile Temple sa Oktubre 28; ang Barranquilla Colombia Temple sa Disyembre 9; ang Rome Italy Temple sa linggo ng Marso 10 hanggang Marso 17, 2019; at ang Kinshasa Democratic Republic of the Congo Temple sa Abril 14, 2019.

At dalawang templo ang inilaang muli kamakailan: ang Houston Texas Temple ay muling inilaan noong Abril 22, 2018, at ang Jordan River Utah Temple ay muling inilaan noong Mayo 20, 2018.