2018
Bakit Tayo May mga Miting sa Korum at Relief Society?
Nobyembre 2018


Bakit Tayo May mga Miting sa Korum at Relief Society?

Sa mga huling araw na ito, ipinanumbalik ng Diyos ang priesthood at inorganisa ang mga korum ng priesthood at Relief Society upang makatulong sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng kaligtasan. Dahil dito, bawat Linggo kapag nagtitipon tayo sa mga miting ng korum ng mga elder at Relief Society, tinatalakay at pinaplano natin kung ano ang gagawin natin upang makatulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos. Upang maging epektibo, ang mga miting na ito ay dapat maging higit pa sa mga klase lamang. Ang mga ito ay mga oportunidad upang magsanggunian tungkol sa gawain ng kaligtasan, sama-samang matutunan ang tungkol sa gawaing iyon mula sa mga turo ng mga lider ng Simbahan, at magplano at ayusin ang ating mga sarili para maisakatuparan ito.

Print